Peace and Order Advocacy ng militar, patuloy na sinusuportahan ng Provincial Gov’t ng Maguindanao

Peace and Order Advocacy ng militar, patuloy na sinusuportahan ng Provincial Gov’t ng Maguindanao

PATULOY na sinusuportahan ng Provincial Government ng Maguindanao ang peace and order advocacy ng 1st Mechanized Infantry Brigade matapos ang idinaos na 6th Activation Anniversary nito sa Barangay Kalandagan, Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ayon kay Maguindanao Governor Bai Mariam Mangudadatu, may magandang naidulot sa kaunlaran ng probinsya at komunidad ang pakikiisa ng mga LGU sa 1MechBde.

Binigyang pagkilala naman ni Brigadier General Pedro Balisi Jr., brigade commander ng 1MechBde ang local chief executives na nasa kanilang area of operation.

Ito ay dahil sa pagtulong sa kanilang hanay na mapagtagumpayan ang mandato na magbigay ng seguridad sa komunidad.

Samantala, pinasalamatan din ni Joint Task Force Central at 6th Infantry Division commander Major General Roy Galido ang Provincial Local Chief Executive sa suporta sa militar.

 

 

Follow SMNI News on Twitter