Peace and Order at Anti-Agri Smuggling Act, isa sa pinakamahalaga sa SONA ni PBBM—isang mambabatas

Peace and Order at Anti-Agri Smuggling Act, isa sa pinakamahalaga sa SONA ni PBBM—isang mambabatas

ISA sa pinakamahalaga sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ay ang Peace and Order at Anti-Agri Smuggling Act ayon sa isang mambabatas.

Isa sa pinaka-importanteng isyu na dapat talakayin sa SONA ni PBBM ay ang Peace and Order at Anti-Agri Smuggling Act.

Ito ang inihayag ni 4th District Leyte Representative Richard Gomez sa panayam ng SMNI News.

“Without peace and order ‘di gaganda ang ekonomiya natin di gaganda ang takbo ng bansa natin that’s napakagandang marinig ‘yun talaga ang pinursue ng House natin at ng Presidente at patuloy yung peace and order lalo na ‘yung usapin sa droga,” pahayag ni 4th District Leyte Representative Richard Gomez.

Binigyang-diin ni Rep. Richard Gomez na dapat linisin ang ranggo ng kapulisan at mga armed services pati na rin ang PDEA.

Samantala, ikinatuwa naman ni Rep. Gomez pagdating sa Anti Agri Smuggling Act ang patuloy na pagsuporta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. dito.

“Natutuwa ako na binibigyan ng Presidente ‘yung although tapos na ‘yung cart program natin patukloy pa rin na ibinibigay ‘yung mga lupa sa mga ARBs tapos yung condonation na pinirmahan natin sa Malacañang” dagdag ni Gomez.

 

Follow SMNI on Twitter