TUTUNGO sa training camps sa India at Australia ang Philippine Boxing Team bilang paghahanda sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Pangungunahan ng olympians na sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam ang Team Pilipinas.
Unang tutungo ang koponan sa Patiala, India at magsasagawa ng training mula Hulyo 28 hanggang Agosto 6.
Agosto 6–20, 2023 naman ang training nila sa Inspire Institute of Sport sa Karnataka, India.
Pagkatapos sa India ay uuwi muna ang mga ito sa Pilipinas at aalis papuntang Canberra, Australia sa Setyembre para sa isang linggong pagsasanay.