CTGs, isang national threat sa Pilipinas

CTGs, isang national threat sa Pilipinas

ISANG national threat sa Pilipinas ang communist terrorist groups (CTGs).

Isang mapanlinlang na grupo ang CTGs na Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at target nito ay ang kabataan.

Ito ang binigyang-diin ng dating kadre at ngayon ay isang SMNI News Anchor sa programang “Laban Kasama ang Bayan” na si Jeffrey ‘Ka Eric’ CelizGuardians of the Galaxy Vol. 3, ipalalabas na sa Disney+ sa Agosto.

Bilang dating kadre, nais niyang makaambag sa lipunan lalo na sa mga kabataan upang hindi sila ma-recruit sa mapanlinlang na CPP-NPA-NDF.

“Napakalaki ng ginagampanan ng kabataan sa nation-building man o sa pagbagsak sa isang bayan. Ibig sabihin po ang kinabukasan po o pag-iral ng isang bansa, malaking bahagi niyan ay nanggagaling po sa kaniyang pagpopondar at pagpapanday sa kaniyang kabataan,” ayon kay Jeffrey “Ka Eric” Celiz, SMNI Anchor.

Dagdag pa ni Ka Eric na sa loob ng 54 taon na pamamayagpag ng nasabing grupo ay wala itong naiambag sa bansa, bagkus ito ay isang national threat lamang sa Pilipinas.

“Ang CPP-NPA-NDF o ‘yung terrorist communist group that has already destroyed our country for the last 54 years over 5 decades already at hanggang ngayon ay nanatili po ito na nangungunang problema sa national security ng bansa and even.. Ito pa rin po ang dahilan kung bakit hindi tayo nakakabuwelo ng lubos sa ating pang ekonomiya at pang lipunan,” Jeffrey “Ka Eric” Celiz.

Nais ni Ka Eric na wala nang ma-recruit pa ang makakaliwang grupo upang tuluy-tuloy ang pag-unlad ng bansang Pilipinas.

“Mahigit P1-B ng pondo natin taon-taon ay napupunta po sa internal security operations para pigilan po ang paglaganap ng communist terrorist group na salot sa ating bansa. Ang sadyang o pinaka immediate threat ng ating bansa. Even now in modern times after seven threats it’s already may mga administrasyon since CPP-NPA-NDF there was established atleast 54 years ago going to be 55 years. Buhay pa at umiiral pa, December of this year nangunguna pa ang problema natin ang internal security threat natin,” ani Ka Eric.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter