Ph Navy, hindi tatalima sa fishing ban na ipinataw ng Tsina; Hakbang ng China, itinuring na “provocative”

Ph Navy, hindi tatalima sa fishing ban na ipinataw ng Tsina; Hakbang ng China, itinuring na “provocative”

IGINIIT ni Philippine Navy spokesperson for the West PH Sea Commodore Roy Vincent Trinidad na hindi tatalima ang Pilipinas sa fishing ban na ipinataw ng Tsina.

Ito ay matapos ipagbawal na ng nabanggit na bansa mula may 1 hanggang Sept. 16 ang pangingisda sa hilagang bahagi ng South China Sea.

Sa ngayon ay dinagdagan na nila ang patrol sa buong West Philippines Sea kabilang na ang Bajo de Masinloc sa hilagang bahagi.

Samantala, ayon sa Phillipine Navy, mula May 21 hanggang 27 ay mayroong 122 na iba’t ibang uri ng Chinese vessels ang namataan sa walong features ng WPS.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter