PH telenovelas, masyadong predictable –Marcoleta

PH telenovelas, masyadong predictable –Marcoleta

MASYADONG predictable at hindi gaanong kawili-wili kung ihahambing sa mga Korean Drama ang mga telenovela o drama na gawa sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Sagip Party-list Rep. Rodante Marcoleta sa diumano’y panukala ng isang senador na ipagbawal ang mga K-Dramas sa Pilipinas bilang isang paraan upang magkaroon ng suporta para sa mga lokal na gawang drama.

Ayon kay Marcoleta kong patungkol sa mga local dramas o nobela, parang walang kinapupuntahan at walang kapupulutan ng aral.

Dagdag pa nito na pagdating sa mga K-Dramas naman aniya na maganda ang kwento at maraming pagpipilian.

Follow SMNI NEWS in Twitter