PhilHealth dapat nakatatanggap ng share mula sa sin tax

PhilHealth dapat nakatatanggap ng share mula sa sin tax

MABUTI ring magkaroon ang PhilHealth ng bahagi ng kita mula sa sin tax.

Ayon ito kay Sen. Pia Cayetano lalo na’t walang inilaan mula sa national budget para sa PhilHealth ngayong 2025.

Kasunod na rin ang pahayag ng senadora nang madiskubre nito sa naging pagtalakay ng 2025 budget ng PhilHealth na hindi pala sila binibigyan ng share.

Binigyang-diin ni Sen. Pia na ang paglalaan ng pondo para sa PhilHealth mula sa kita ng sin tax ay nakalinya sa batas.

Ang sin tax ay isang uri ng buwis na ipinapataw ng pamahalaan sa mga produktong itinuturing na may masamang epekto sa kalusugan at lipunan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble