PhilHealth, hinikayat ang publiko na mag-avail ng HIV outpatient treatment

PhilHealth, hinikayat ang publiko na mag-avail ng HIV outpatient treatment

HINIHIMOK ngayon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang publiko, lalong-lalo na ang mga pasyente na infected ng human immunodeficiency virus (HIV) na mag-avail ng outpatient treatment sa mga ospital.

Kaya naglaan ng pondo ang PhilHealth outpatient HIV/AIDS package na bahagi pa rin ng PhilHealth Sustainable Development Goal (SDG) ng 30,000 kada taon o 7,500 kada quarter.

Ayon kay PhilHealth acting president at chief executive officer na si Emmanuel Ledesma, Jr. sakop ng nasabing programa ang mga bayarin sa gamot, laboratory examination, at professional fees ng mga HIV/AIDS related case providers.

Dagdag pa ng opisyal, binayaran na ng kanilang ahensiya ang mahigit 15,000 na claims galing sa mga HIV treatment facilities o katumbas yan ng 0.11% sa kabuuang claim na aabot na sa p108,463, 468 noong nakaraang taon.

Samantala, ipinaalala rin ni Ledesma ang publiko na bagamat sakop ng PhilHealth ang mga bayarin sa HIV/AIDS mas mainam pa rin aniya, maging maingat dahil hanggang sa ngayon ay wala pa ring lunas ang naturang sakit.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter