INIHAYAG ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na tinitingnan ngayon ang mga kaso ng upcasing ng mga ospital at healthcare providers sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay PhilHealth Spokesperson Shirley Domingo, ang upcasing ay ang pagsasabi ng isang ospital na ang pasyenteng ina-admit sa ospital ay COVID-19 case upang makakubra ng malaking halaga mula sa ahensya.
Ani Domingo, minsan ay simpleng ubo at sipon lang o ibang mga sakit, tapos ginagawang COVID-19.
Sa ngayon, tinitingnan na ng legal division ng PhilHealth ang ulat na ito.
Sa kabila nito, bibigyan ng due process ang mga ospital sa imbestigasyon.
Samantala, ang permit ng ospital ay maaaring ma-revoke o masuspinde oras na mapatunayan kung ginagawa nila ito.