PhilHealth itinaas sa halos P1M ang coverage para sa open heart surgeries

PhilHealth itinaas sa halos P1M ang coverage para sa open heart surgeries

HALOS umabot na sa P1 milyon ang coverage ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa ilang open heart surgeries.

Bahagi ito ng pinalawak na Z Benefits Package upang matiyak na mas maraming Pilipino ang makakakuha ng de-kalidad na serbisyong medikal nang walang malaking gastusin.

Ang pinakamalaking inilaang pondo ay para sa Coronary Artery Bypass Graft (CABG), na ngayon ay may coverage mula P660,000 hanggang P960,000, mas mataas kaysa sa dating P550,000.

Samantala, ang benepisyo para sa Closure of Ventricular Septal Defect (VSD) ay umabot na sa P614,000 mula sa dating P250,000, habang ang Total Correction of Tetralogy of Fallot (TOF) ay tumaas din sa P614,000 mula P320,000.

Inilunsad rin ng PhilHealth ang bagong Z Benefits Package para sa Heart Valve Repair and Replacement, na may coverage mula P642,000 hanggang P810,000, kasama ang cardiac rehabilitation na nagkakahalaga ng P15,000 para sa matatanda at P6,500 para sa mga bata.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble