PhilHealth, naglunsad ng libreng outpatient care package laban sa malnutrisyon ng mga kabataan

PhilHealth, naglunsad ng libreng outpatient care package laban sa malnutrisyon ng mga kabataan

Maynila, Pilipinas – Inilunsad ng PhilHealth ang isang libreng outpatient care package para sa mga batang nakararanas ng severe acute malnutrition (SAM), bilang tugon sa lumalalang suliranin ng malnutrisyon sa bansa.

Saklaw ng bagong benepisyo ang:

Medikal na gamutan

Nutrition counseling

Ready-to-use therapeutic food (RUTF)

Ang mga sanggol na wala pang anim na buwan ay maaaring makatanggap ng suporta na nagkakahalaga ng hanggang ₱7,500, habang ang mga batang wala pang limang taon ay maaaring tumanggap ng benepisyo na hanggang ₱17,000.

Ayon sa PhilHealth, layunin ng programa na makatulong sa mahigit 100,000 bata kada taon, lalo na sa mga rural at underserved communities kung saan mas laganap ang kakulangan sa nutrisyon at serbisyong medikal.

Ipinahayag ng ahensya na ang malnutrisyon ay patuloy na pangunahing suliraning pangkalusugan sa bansa, na nakaaapekto sa humigit-kumulang 600,000 kabataan. Ang matinding malnutrisyon ay nagpapalala ng kondisyon ng mga batang mahihirap, na nagiging sanhi ng pagkabansot, mahinang immune system, at mas mataas na panganib sa impeksyon at iba pang seryosong sakit.

“Sa pamamagitan ng programang ito, layunin naming gawing abot-kamay ang gamutan at nutrisyon para sa mga kabataang nangangailangan,” pahayag ng PhilHealth.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble