MAGANDANG balita para sa mga residente ng Isabela! Mas madali na ang pagpunta sa Cauayan at karatig-lugar nito.
May bagong daily flight na ang Philippine Airlines mula Manila (NAIA Terminal 2) patungong Cauayan, Isabela at pabalik.
Aalis ang eroplano ng 1:25 PM mula Manila at darating ng 2:30 PM sa Cauayan.
Ang biyahe pabalik naman ay aalis ng 3:25 PM mula Cauayan at darating ng 4:40 PM sa Manila. Mag-book na!