Philippine contingent, nakatutok na sa search and retrieval operations sa Turkiye

Philippine contingent, nakatutok na sa search and retrieval operations sa Turkiye

NAGPAPATULOY ang ginagawang pagtulong ng Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent sa mga nabiktima ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkey.

Ito ang inihayag ni Civil Defense spokesperson Assistant Secretary Raffy Alejandro IV.

Ayon kay Alejandro, mahigit 250 indibidwal na ang nabigyan ng atensyong medikal ng Philippine contingent.

Habang tinututukan na nila ngayon ang search and retrieval operations ng mga nasawi sa lindol sa Adiyaman.

Hindi naman nakikita ng OCD na mapapalawig pa ang misyon ng Philippine contingent sa lugar.

Samantala, hinihintay pa ang final approval ng gobyerno para sa cash donation para sa Syria na tinamaan din ng lindol.

Follow SMNI NEWS in Twitter