PH Inter-Agency Humanitarian Contingent sa Turkiye, maingat sa kanilang ginagawang search and rescue operations

PH Inter-Agency Humanitarian Contingent sa Turkiye, maingat sa kanilang ginagawang search and rescue operations

TINIYAK ng Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent sa Turkiye na magiging maingat sila sa kanilang mga ginagawang rescue operations sa nasabing bansa.

Sa kanilang ikatlong araw na operasyon, patuloy ang kanilang pakikipag ugnayan sa mga awtoridad sa Turkiye para matiyak na hindi maikompromiso ang mga buhay na kailangan pang iligtas mula sa trahedyang tumama sa bansa.

Kasalukuyang nasa worksite N50, Central District, Adıyaman, Turkiye ang Philippine response teams para sa nagpapatuloy nilang rescue operations.

Katuwang din ang Pinoy rescuers sa pagtuturo sa local rescuers ng Turkiye na walang mga kagamitan at kasanayan sa search and rescue operations.

Batay sa pinakuhuling datos, umakyat na sa 33 na libo ang naitalang nasawi sa bansang Syria at Turkiye matapos ang pagtama ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkiye.

Follow SMNI NEWS in Twitter