Pilipinas, bukas sa iba pang investors at hindi lamang sa China—NEDA

Pilipinas, bukas sa iba pang investors at hindi lamang sa China—NEDA

SINABI ng National Economic and Development Authority (NEDA) na bukas ang Pilipinas sa iba pang investor at hindi lamang sa China.

Ito ay matapos na sabihin ni dating Palace spokesperson Harry Roque na ang mga isyung nakapalibot sa South China Sea at lumalalang tension sa pagitan ng China at Taiwan ay maaaring maging dahilan upang umatras ang mga proyektong suportado ng China.

Sinabi rin ni Roque na hanggang noong 2016, dalawa pa lamang sa 75 na ipinangakong proyekto ng China ang nabubuo sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ngunit ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, bagaman tinatanggap ng Pilipinas ang pondo ng China ay hindi lamang ito ang tanging bansa na pinagkukuhaan ng investment at potensiyal na taga suporta para sa bansa.

Ang iba pang proyektong ipinangako ng China na hindi pa napopondohan ay ang planong train system mula Laguna patungong Bicol, Clark hanggang Subic at Mindanao Railway.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter