NANINIWALA pa rin ang Nokia Corporation, isang Finnish Multinational Telecommunications na makababawi sila sa pangalawang bahagi ng taon.
Kasunod ito sa mababa nilang naitalang operating profit kung ikukumpara sa kanilang inaasahan.
Mula sa 583 million euros noong nakaraang taon ay nasa 479 million euros lang ang kanilang operating profit sa unang bahagi ng 2023.
Nakikitang rason ng Nokia dito ang paghina ng customer spending.
