MAGIGING host ang Pilipinas sa ika-19th at 14th Rhythmic Gymnastics Asian Championships simula Mayo 31 hanggang Hunyo 3.
Ang torneyo ay magiging qualifier para sa 40th Fig Rhythmic Gymnastics World Championships sa Valencia, Spain sa Agosto.
Pangungunahan ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) ang naturang palaro na dadaluhan ng halos 200 atleta na magmumula sa iba’t ibang bahagi ng Asya.
Kabilang dito ang mga junior at senior gymnast sa China, Hong Kong, Indonesia, India, Japan, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Korea, Laos, Malaysia, Mongolia, Singapore, Sri Lanka, Thailand, Taipei, Uzbekistan, Vietnam, Australia, at New Zealand.