Pilipinas, isa sa ‘biggest borrowers’ ng World Bank sa 2 magkasunod na taon

Pilipinas, isa sa ‘biggest borrowers’ ng World Bank sa 2 magkasunod na taon

IKALIMA sa ‘biggest borrower’ ng World Bank ang Pilipinas sa loob ng dalawang magkasunod na taon.

Ang dalawang taon na ito ay sa ilalim ng dalawang taon din na panunungkulan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Sa annual report ng World Bank, nasa 2.35 billion dollars ang hiniram ng Pilipinas mula Fiscal Year July 1, 2023 hanggang June 30, 2024.

Noong Fiscal Year July 1, 2022 hanggang June 30, 2023 ay nasa 2.336 billion dollars naman ang hiniram ng bansa.

Kasama ng Pilipinas sa Top 5 ay ang Ukraine, Turkiye, Indonesia, at India.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble