Pilipinas, kinilala ng European companies bilang investment hub sa Southeast Asia

Pilipinas, kinilala ng European companies bilang investment hub sa Southeast Asia

IBINAHAGI ng Department of Trade and Industry (DTI) na kinikilala na ng ilang European companies ang Pilipinas bilang magandang lugar para sa pamumuhunan.

Ito ay matapos ang tatlong linggong European investment roadshow na nilahukan ni DTI Secretary Alfredo Pascual kung saan binisita ng kalihim ang France, United Kingdom, Belgium, Netherlands at Germany.

Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni Pascual na naging matatag ang kumpiyansa ng ilang European companies sa Pilipinas bilang investment hub sa Timog Silangang Asya.

Ito ay makaraang talakayin ng kalihim ang iba’t ibang mga oportunidad sa negosyo sa Pilipinas.

Binigyang-diin ng DTI sa naturang roadshow ang mga benepisyo ng pagnenegosyo sa Pilipinas tulad ng mahusay na labor force at mas mababang operation cost.

  “They are seeing the light, and it will mean also lower cost of operation. Because if you bring a Filipino worker, Filipino engineer, for example, to Germany, they will have to pay a Filipino engineer salary almost equivalent to what they are paying a German engineer.

Whereas here, with the lower cost of living here, the wages can be lower,” saad ni Sec. Alfredo Pascual, DTI.

P73-B investment leads at higit 4K trabaho, posibleng makuha ng bansa mula sa investment roadshow sa Europa.

Halagang P73-B ng investment leads at mahigit 4,300 na trabaho ang posibleng makuha ng bansa mula sa isang investment roadshow.

“I am pleased to emphasize the roadshow’s success which has resulted, as mentioned, in 48 potential investment leads. Of these, 16 have explicitly indicated investment values totally more than 73 billion pesos, potentially generating more than 4,300 jobs – these are direct jobs,” pahayag ni Sec. Alfredo Pascual, DTI.

Ang European investment roadshow ay isinagawa upang mangalap ng investment leads para sa mga priority sector sa Pilipinas tulad ng manufacturing, high-value services, renewable energy, at research and development.

Bukod dito, ibinida rin ng DTI ang mga lehislatibong reporma gaya ng pag-amyenda sa Public Service Act, Foreign Investment Act, at Retail, Trade Liberalization Law.

US$88-M investments ngayong taon, inaasahan ng gobyerno kasunod ng foreign trips ni PBBM

Sa kabilang dako, iniulat din ni Trade Secretary Pascual na patuloy nang nagbubunga ng direct investments ang mga nakalipas na presidential visits sa ibang mga bansa na naglalayong magbukas ng ekonomiya at maghatid ng oportunidad at trabaho para sa mga Pilipino.

Ibinahagi ni Pascual na inaasahan ng Philippine government na maisasakatuparan ngayong taon ang humigit-kumulang US$88 milyon na pamumuhunan bilang resulta ng foreign trips ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

“Eighty-eight million. It is not so large as yet, but the potential is as we announced before, we have a pipeline that we were able to build up amounting to around US$ 70 billion,” dagdag ni Pascual.

Sa detalye ng summary of investments, sinabi ng Trade chief na ang mga negosyong may anim na proyekto ay nakarehistro na sa Board of Investment (BOI) o iba pang investment promotion agencies.

Sambit ni Pascual, mayroong anim na klasipikasyon: ito ay mula sa kumpirmadong investment na hindi sakop ng memorandum of understanding (MOU) o Letter of Intent (LOI) at nasa mga yugto pa ng pagpaplano.

Ang second category naman ay iyong may nilagdaang MOU at LOI habang ang ikatlong category agreement ay nilagdaan na may malinaw na financial value ng proyekto.

Idinagdag pa ni Pascual na ang iba pang kategorya ay ang mga negosyong ginawa o nakarehistro sa BOI o ibang investment promotion agency at mga rehistradong negosyo na nagsimula na ng kanilang operasyon sa bansa.

Inilahad naman ni Pascual na madaling maka-engganyo ng mga mamumuhunan ngayon dahil sa mga repormang isinagawa kamakailan ng pamahalaang Marcos.

Kabilang sa reform measures na ito ang pag-amyenda sa Public Service Act; Foreign Investment Act; Retail, Trade Liberalization Law; ang pagpasa ng CREATE Act; at pagluluwag ng ownership restrictions para sa renewable energies.

“Iyon ang talagang nakaka-create ng interest ano. If we are prepared to send high-level delegations, that means we are really keen on inviting them, hindi iyong pabalat-bunga lang ano. And not only that! Geopolitical developments are such that Europe is developing great interest in it” saad pa ni Pascual.

“Iyon ang talagang nakaka-create ng interest ano. If we are prepared to send high-level delegations, that means we are really keen on inviting them, hindi iyong pabalat-bunga lang ano. And not only that! Geopolitical developments are such that Europe is developing great interest in the Indo-Pacific,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter