Pilipinas, lumago ang ekonomiya ng 7.1% sa unang quarter ng 2023

Pilipinas, lumago ang ekonomiya ng 7.1% sa unang quarter ng 2023

LUMAGO ang ekonomiya ng bansa ng 7.1% sa unang quarter ng 2023.

Ayon sa First Metro Investment Corp. (FMIC) at University of Asia and the Pacific (UA&P) lumago ang mga remittances at gayundin ang mga personal income tax cuts ng bansa.

Tumaas ang cash remittances ng 3.5% hanggang $2.76 bilyon noong January at inaasahan ng Central Bank na lalago pa ito sa 4% ngayong taon.

Patunay ito na sapat upang palakasin ang kumpiyansa ng negosyo at consumer sa pagsulong.

Umaasa ang FMIC at UA&P na sa kabila ng mataas na inflation at mga negatibong kaisipan ay malayong bumaba ang ekonomiya ng bansa.

Bumabagal ang inflation noong Pebrero sa 8.6% kumpara sa mataas na 8.7% noong Enero.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter