GMA sa first 100 days ni PBBM: A President for all

GMA sa first 100 days ni PBBM: A President for all

MAGANDA ang assessment ni dating Pangulong Gloria Arroyo sa first 100 days ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pwesto.

Sa isang pahayag, dalawa ang nakikitang layunin ni Arroyo sa unang 100 araw ng Marcos administration.

Una, ang pagbibigay inspirasyon ng Pilipinas sa buong mundo sa kabila ng mga hamong kinakaharap ng bansa at pangalawa ang pagpapasilip ng Pangulo sa mga Pinoy sa istilo ng kanyang liderato.

Sa ekonomiya, giit ni Arroyo na ngayon ay Senior Deputy Speaker ng 19th Congress, ‘impressive’ ang binuong economic team ni PBBM na haharap sa epekto ng global tension sa Ukraine at Taiwan.

At pinakita rin daw ng Pangulo ang pagiging kalmado at maalalahanin na lider na tapat sa adhikain nito na maging presidente ng lahat.

Ngayong October 8 ang first 100 days ni PBBM bilang ika-17 presidente ng Pilipinas.

Ang ikalawang Marcos na naging Pangulo ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter