Pilipinas, magiging responsable sa aksyon sa West Philippine Sea ayon sa DND

Pilipinas, magiging responsable sa aksyon sa West Philippine Sea ayon sa DND

HINDI magpapadalos-dalos ang Pilipinas sa mga gagawin nitong hakbang sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang tiniyak ni Defense Secretary Gilbert Teodoro sa gitna ng agresibong pagkilos ng China sa mga pinagtatalunang teritoryo.

Ayon kay Teodoro, magiging “responsible, calculated at sustainable” ang paggigiit ng Pilipinas sa karapatan nito sa West Philippine Sea.

Ipatutupad aniya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang “whole of government approach” sa nasabing usapin.

Naniniwala si Teodoro na isang magandang hakbang ang pagtatalaga ng Pangulo kay General Andres Centino bilang Presidential Adviser on the West Philippine Sea.

Follow SMNI News on Rumble