INAASAHAN ng isang business education group na magiging prayoridad ang edukasyon sa darating na State of the Nation Address (SONA).
Nanawagan ang Philippine Business for Eductioan (PBEd) sa kasalukuyan administarsyon na palakasin at pabilisin pa ang sektor ng edukasyon sa Pilipinas.
Kaya naman ngayon darating na Lunes, nais ng naturang grupo na ma-highlights pa ang usaping pang edukasyon sa ikalawang SONA ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Panawagan din ng PBEd sa kasalukuyang administrasyon na dapat unahin ang kalusugan, edukasyon at tingnan ito bilang isang solusyon sa ekonomiya.
Hinihikayat din ng grupo, ang administrasyong Marcos na dapat tumuon ang bansa sa pagpapalakas, pagpapaunlad, at kagalingan ng mga estudyante.
Naiintindihan din ng PBEd na maraming hinaharap ang gobyerno pero malaki aniya ang magagawa ng mamamayang Pilipino na maipabatid sa pamahalaan na gawing prayoridad ang edukasyon.
Ang PBEd ay isang non-government organization na itinatatag ng mga CEO at presidente ng iba’t ibang kompanya, isa rin itong policy advocate group na nagsusulong ng reporma sa edukasyon at tumutulong sa gobyerno ng Pilipinas na magbigay ng rekomendasyon at suhestiyon para mapaigting at maipatutupad ang edukasyon sa bansa.