Pilipinas, mananatili sa Alert Level 2 hanggang Enero 15, 2022

MANANATILI sa Alert Level 2 ang Pilipinas simula Enero 1 hanggang Enero 15, 2022 ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Ayon kay Nograles, inaprubahan na sa Interagency Task Force (IATF) ang rekomendasyon na i-maintain ang lahat na probinsya, highly-urbanized cities at independent component cities sa ilalim ng Alert Level 02.

Isasailalim rin sa red list mula Enero 01 hanggang 15, 2022 ang mga bansa tulad ng Eswatini, Lesotho, Malawi, Mozambique (Mow•Zam•Beek), Namibia at Spain.

Sa green list naman ang mga bansa gaya ng Bangladesh, Benin, Bhutan, British Virgin Islands, China Mainland, Ivory Coast, Djibouti (Juh•Boo•Tee) , Equatorial Guinea, Falkland Islands, Fiji, The Gambia at Guinea.

Kasama din dito ang Hong Kong, Indonesia, Kuwait, Kyrgyzstan, Liberia, Montserrat, Oman, Pakistan, Paraguay, Rwanda, Saba, Saint Barthelemy, Sao Tome and Principe at Senegal.

Pati na rin ang mga bansa tulad ng Sierra Leone, Sint Eustatius (Sint Yoo•Stay•Shuhs), Taiwan, Timor-Leste, Togo, Uganda at United Arab Emirates.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter