IBINAHAGI ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung paano naging buffer zone ang Pilipinas sa kasalukuyang tensiyon sa pagitan ng Amerika at China.
Sa programang “Gikan Sa Masa Para Sa Masa” kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy, ani Duterte ang mga base militar o EDCA bases ng mga Amerikano sa bansa ang posibleng maging dahilan upang maging target ang Pilipinas sa away na ito.
“Alam mo ang Amerika kalaban nila ang China. So, kailangan nila bago makarating ang Amerika sa China dadaan muna dito sa Pilipinas. Frontline nila dito sa Pacific is Guam and the Marianas Islands going to Hawaii then to the Mainland. So, importante sa kanila ang Pilipinas-buffer zone na bago makalusot itong mga Chinese dadaan talaga muna sila dito sa mga military installations,” pahayag ni Former President Rodrigo R. Duterte.
“Alam mo bakit buffer zone ang Pilipinas? So, Amerika kailangan talaga nila pigilan ang China from advancing to the Pacific. The only way that they can enter into the Pacific, makita mo sa mapa dito sa Taiwan Straight between Taiwan and the Philippines nandiyan sa dulo on the tip of the country there’s a narrow channel there or you can go to the Malaccas but malayo masyado, you have to go down almost hanggang Australia na iyan tapos iikot ka paakyat ka dito sa Pacific Ocean,” dagdag ni FPRRD.
“Ngayon kung magka giyera, fight muna tayo dito bago ka makalusot before you can even entertaining the idea of conquering the Marianas [Island] and Guam, patayan muna tayo dito sa Pilipinas,” aniya.
Ayon kay Duterte, ang kakayahan ng bansa ay ang labanan lamang ang giyera sa loob nito o ang labanan ang mga komunistang teroristang grupo.
Hindi aniya pinalakas ang sandatahang lakas at pulisya sa kaniyang administrasyon upang makipag-giyera sa ibang mga bansa gaya ng China.
“And if war breaks out, ang unang bibirahin ‘yung base militar natin, base militar sa ating bayan ng Amerikano. Tayo? We do not have the capability, we cannot fight an external war because wala talaga tayo. When I said I would leave, when I leave the presidency, I would leave strong military, I sought to it, it is a fully equipped to fight the internal war, dito lang iyong internal trouble, mainly dito sa secessionist movement dito sa south-ngayon it has terrorate sa Abu Sayyaf and the NPA’s. Diyan lang hanggang tayo beyond that hindi na tayo pwede. Iyan lang ang pwedeng giyerahin natin,” aniya pa.
Dating Pangulong Duterte, nanawagan sa China na magkaroon ng pasensiya pagdating sa Taiwan
Nanawagan naman ang dating Pangulo na sana ay magkaroon pa ng mahabang pasensiya ang China sa Taiwan dahil posibleng madamay ang Pilipinas rito.
Ito ay dahil sa mga base militar ng mga dayuhang Amerikano na nakahandang labanan ang China upang suportahan ang Taiwan.
“I’m appealing to the Chinese Government Pres. Xi Jinping that there so many ways to get back Taiwan into the force of the Mainland, to embrace the Mainland China again, short of going to war and to stretch your patience and endurance toward off the constant friction between China and USA, kasi kami po ay madadamay, I’m saying this because I do not favor you or America but I’m favor in my country mainly, solely, singly to get it far from harm.”
“Kasi alam ko tatamaan ninyo kami because of the bases, and the bases are their equipped to fight you, not to fight us kasi sabi ng America whether you like it or not, we are the surrogates. Alam ng mga military ‘yan pero wala pa rin silang magawa,” pagtatapos ni dating Pangulong Duterte.
Matatandaan na noong panahon ni dating Pangulong Duterte ay isinulong nito ang “friend to all enemy to none” bilang independent foreign policy.
Na siyang nagbigay-daan sa magandang relasyon ng Pilipinas at China at nabawasan ang tensiyon sa South China Sea.