SASAILALIM ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) sa isang pagsasanay sa pamamahala ng mosque.
Ito ang dahilan kung bakit nakikipag-partner ang NCMF sa Islamic Religious Council ng Singapore.
Ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng diwa ng pagkakaisa at sumasalamin sa hangarin na pagandahin ang pamamahala ng mga komunidad at mga gawaing panrelihiyon.
Maliban dito ay nakikipagtulungan na rin ang NCMF sa Muslim Converts Association of Singapore upang mapadali ang pag-isyu ng mga Islamic Conversion Certificates sa Pilipinas.
Follow SMNI News on Rumble