Pilipinas, nananatiling critical risk sa COVID-19

Pilipinas, nananatiling critical risk sa COVID-19

NANANATILING critical risk para sa COVID-19 ang Pilipinas at ang mga rehiyon nito tulad ng National Capital Region (NCR) kahit na bumababa ang growth rate ng impeksyon ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Sa talk to the people ni Pangulong Duterte, sinabi ni Duque na kabilang sa mga critical risk ang Cagayan Valley, Ilocos Region, Calabarzon, Cordillera Administrative Region at Central Luzon.

Sa kabila nito, bumababa na ang percentage ng daily reported cases.

Sa ngayon, ang lahat ng iba pang rehiyon ay nasa high risk classification ng COVID-19.

Bukod pa rito, aabot na sa 90% ang Omicron variant sa latest genome sequencing.

Umaasa si Pangulong Duterte na hindi na tataas pa ang kaso ng COVID-19 at nagpa-alala na magpabakuna na.

SMNI NEWS