INAPRUBAHAN ng Southeast Asian (SEA) Games Federation Council ang alok ng Pilipinas na muling magsilbing host country para sa taong 2033.
Ito ay ayon mismo kay Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino.
Inanunsyo ng SEA Games Federation ang pag-apruba nito sa council meeting nito na dinaluhan ni Tolentino at ng iba pang deputies sa Phnom Pehn, Cambodia.
Ani Tolentino, matapos ang pag-apruba ng SEA Games Council ay hihingin ng POCC ang nasyonal na pamahalaan na mag-isyu ng letter of support at kung tatanggihan itong pamahalaan ay ipapasa ang responsibilidad sa ibang bansa.
Kung maaaprubahan ng pamahalaan, ang SEA Games 2033 na ang ikalimang beses na idadaos Pilipinas sa kasaysayan.
BASAHIN: 37th SEA Games, gaganapin sa Pilipinas sa taong 2033