Japeth Aguilar, hindi tiyak kung makakasama sa SEA Games sa Mayo

Japeth Aguilar, hindi tiyak kung makakasama sa SEA Games sa Mayo

HINDI tiyak kung makakasama sa Southeast Asian (SEA) Games sa susunod na buwan ang basketbolistang si Japeth Aguilar.

Kasunod ito nang matamo ni Aguilar ang isang ankle injury.

Ayon kay Gilas Pilipinas team manager Butch Antonio, wala pa namang pinal na listahan para sa kung sino ang makakasama para sa SEA Games at dedesisyonan pa ito ngayong linggo.

Subalit nauna nang sinabi nito na mas maganda kung hayaan munang makarecover si Aguilar.

Subalit binigyang-diin ni Antonio na kinokonsidera pa rin nila si Aguilar dahil wala aniya itong inaatrasan.

Follow SMNI News on Twitter