Pilipinas nasa maling direksiyon ngayon; DuterTen, magtataguyod ng tunay na pagbabago—Team Duterte supporters

Pilipinas nasa maling direksiyon ngayon; DuterTen, magtataguyod ng tunay na pagbabago—Team Duterte supporters

MALI ang direksiyong tinatahak ngayon ng administrasyong Marcos Jr.

Ito ang mariing pahayag ni Francisco Gulane, tagapagsalita ng grupong “Rizal Volunteers for Change”, na kabilang sa mga dumalo sa “Ayusin Natin ang Pilipinas” Nationwide Campaign Rally sa Angono, Rizal nitong Abril 20, bilang suporta sa mga kandidato ng PDP-Laban.

“Wala, wala sa tamang pag-iisip eh at pinaikutan siya ng mga cronies niya, na wala talaga siya, walang direksyon. At nakikita naman sa mata ng tao ang kasalukuyang administrasyon,” saad ni Francisco Gulane, Tagapagsalita ng Grupong “Rizal Volunteers for Change”,

Ayon kay Gulane, malayo ang istilo ng pamumuno ni Marcos Jr. kumpara kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, lalo na pagdating sa kaligtasan ng mamamayan.

“Malayo kasi doon—nung nag-presidente siya, to combat—war against drugs ang adbokasiya niya. Bakit ibinoto ko siya? Kasi may tiwala ako maglakad ang anak ko sa gabi, hatinggabi, safety. Pero ngayon, wala na talaga,” ani Gulane.

Giit niya, kailangan ng tunay na pagbabago, at sagot dito ang buong suporta sa mga kandidatong ini-endorso ni dating Pangulong Duterte sa darating na halalan sa Mayo.

Sinabi rin ni Gulane na kailangang walang malaglag sa DuterTen, at sa kaniyang listahan, nangunguna si Pastor Apollo C. Quiboloy, lider ng Kingdom of Jesus Christ.

“Bilib ako sa pamumuno ni Pastor Quiboloy. Gaya ng KOJC, talagang napakalinis. Kung siya’y palarin—at palarin talaga siya—kasi nakikita ng taumbayan ang adbokasiya niya, napakaganda. Tingnan mo lang ‘yung KOJC, parang paraiso talaga. So how much more kung siya ang maging legislator natin,” aniya pa.

Ayon sa kaniya, kapag nanalo si Pastor Quiboloy, hindi na kailangang mangibang-bansa ng mga Pilipino para maghanapbuhay, dahil magkakaroon umano ng maayos na kabuhayan at trabaho sa Pilipinas.

Dagdag pa niya, ang mga batikos kay Pastor Quiboloy ay bahagi aniya ng persecution dahil sa pagiging matatag na kaalyado ni dating Pangulong Duterte.

“Isang persecution ang nangyari kay Pastor Quiboloy kasi die-hard supporter siya ni President Duterte. Talagang tinatarget siya para malugmok. Kasi unang-una, ang samahan ni Pastor Quiboloy ay talagang solid supporter ni President Duterte.”

“At saka Bible-oriented siya—talagang nakikita niya ang mali at tama. So pasalamat ako kay Pastor Quiboloy. Ito lang po ang masasabi ko: tuloy lang po ang laban, kasi ang laban mo ay laban namin. Your fight is our fight. And you are not alone. That is my strong conviction to stand firmly,” giit nito.

Sina Pastor Apollo C. Quiboloy at siyam pang kandidato ng PDP-Laban ay nangakong ipagpapatuloy ang mga programa at proyektong sinimulan ni dating Pangulong Duterte.

“Gusto ko ng pagbabago… iboto natin PDP-Laban straight.”

“Nakikita ko naman na maganda ang programa… kaya tuloy lang po,” aniya pa.

Nauna nang tiniyak ng PDP-Laban Senatorial Slate na ipagpapatuloy nila ang Tatak Duterte na serbisyo at pamumuno—matapang, may malasakit, at para sa masa.

Bukod sa “Rizal Volunteers for Change”, nakiisa rin sa kampanya ang Muslim community, grupo ng kabataan, at iba’t ibang sektor ng lipunan.

Masigla ring sumayaw at sumuporta ang mga taga-suporta para sa kanilang mga pambatong senador sa nalalapit na halalan ngayong Mayo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble