Pilipinas, pasok sa 2nd round ng 2024 AFC Women’s Qualifying Tournament

Pilipinas, pasok sa 2nd round ng 2024 AFC Women’s Qualifying Tournament

PASOK sa ikalawang round ang Women’s Football Team ng bansa na Pilipinas sa 2024 AFC Women’s Olympic Qualifying Tournament.

Ito ay matapos na talunin nila ang Hong Kong players sa iskor na 4-0 na ginanap sa Hisor Central Stadium sa Dusharbe, Tajikistan.

Nakapagtala na ng kabuoang 16 points ang koponan sa Group E nang talunin ang Hong Kong, Tajikistan at Pakistan.

Nakumpleto ng Pilipinas ang 3 match at na-sweep nila ang kanilang kasamahan sa Group E sa unang round ng qualifiers.

Makakasama na ng Filipinas ang Australia, Japan, China, South Korea at North Korea sa ikalawang round.

Kabilang din na nakausad sa ikalawang round ay ang Vietnam, Thailand, India at Iran.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter