Pilipinas, makaiiwas sa impending war ng US-China basta’t ‘di makikialam—Gov. Mamba

Pilipinas, makaiiwas sa impending war ng US-China basta’t ‘di makikialam—Gov. Mamba

MAKAIIWAS ang Pilipinas sa anumang digmaan kung hindi makikialam sa anumang sigalot ng ibang bansa.

Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni Cagayan Governor Manuel Mamba na kung pakikinggan ang mga international news ay sinasabing impending war ang nangyayari sa pagitan ng China at United States dahil sa Taiwan.

Ngunit sinabi ni Mamba na ang ginagawa ngayon ng bansa na paglalagay ng EDCA sites sa Cagayan ay isa nang pakikialam kaya ‘di malayong madadamay ang Pilipinas sa nakaambang digmaan.

Muli rin nitong binalikan ang World War II kung saan sinabi nitong nasama lang ang mga Pilipino sa labanan dahil sa mga puwersa ng Amerikano na nasa bansa.

Tahasan din nitong inihayag na hindi na dapat maulit ang pakikigiyera ng mga Pilipino para sa interes ng ibang bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter