SWERTE ang Pilipinas dahil mayroong Vice President Sara Duterte.
Ito ang pagbibigay-diin ni Pastor Apollo C. Quiboloy matapos hinangaan ni US Vice President Kamala Harris si VP Sara Duterte dahil sa trabaho nito.
Kamakailan ay ipinahayag ni US VP Harris ang pagkamahanga nito sa trabaho at responsibilidad ni VP Duterte bilang pangalawang pangulo at kalihim ng Department of Education.
Ito ay matapos nag-courtesy call si Harris kay VP Sara sa Aguado House, Maynila umaga ng Lunes.
Ipinaliwanag ni Pastor Apollo sa kaniyang Powerline Program na hindi ito magagawa ng isang indibiwal ang nagagawa ni VP Sara kung walang angking ganda at talino.
“Kung hindi ka matalino hindi mo magagawa ‘yun. Kung ‘di ka maganda hindi mo magagawa ‘yun. Wala akong pinapatutsadahan ha. Kung hindi ka matalino at maganda hindi mo magagawa ang dalawang trabaho isa ka lang. Kaya nabilib si US Vice President Kamala Harris na vice president din,” pahayag ni Pastor Apollo.
Dagdag pa ni Pastor Apollo na baka ay ninanais ni Harris na maging katulad ni VP Sara dahil sa kakayahan nito na gawin ang dalawang responsibilidad.
Mismong si Pastor Apollo ay bilib din sa pangalawang pangulo ng Pilipinas.
Sa huli sinabi ng butihing Pastor na maswerte ang bansa dahil mayroon itong pangalawang pangulo tulad ni VP Sara.
“So, ito ay isang paghanga sa ating vice president na talagang kaya niyang gawin ang dalawang responsibilidad na nag-iisa lang siya at the same time. So, bilib ako. At tayo ay swerte na nagkaroon tayo ng vice president tulad ni Vice President Sara Duterte, hindi lamang maganda kundi matalino pa,” ayon sa butihing Pastor.