NAKATAKDANG tumanggap ang Pilipinas ng defense equipment mula Japan.
Bilang pagsuporta ito ng Japan sa bantang kinakaharap ng bansa ayon sa Department of National Defense (DND).
Ang defense equipment na tatanggapin ay ang Coastal Radar Systems at Automatic Rigid Hull Inflatable Boats na nagkakahalaga ng 611 million pesos.
Para sa Armed Forces of the Philippines, nakatutulong ang mga kagamitan para mapanatili ang kapayapaan sa Indo-Pacific region kung saan sakop ang South China Sea o West Philippine Sea.