TATALAKAYIN na sa susunod na taon ang magiging bilateral free-trade agreement sa pagitan ng Canada at Pilipinas.
Inanunsyo ito nitong Huwebes, December 5 matapos isinagawa ng Canada ang isang business trade mission dito sa bansa.
Kung maisasakatuparan na ang free-trade agreement na ito, mas palalawakin ng Canada ang kanilang pagnenegosyo sa Pilipinas sa larangan ng agriculture and food, critical minerals, at digitalization and Artificial Intelligence (AI).
Maging sa electronics, energy solutions, green mining, infrastructure, mineral processing at tourism.