Mga Pilipino sa Malaysia pinulsuhan kung sino ang iboboto ngayong Halalan 2025

Mga Pilipino sa Malaysia pinulsuhan kung sino ang iboboto ngayong Halalan 2025

SA Malaysia, kung saan libu-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nagtatrabaho at naninirahan, inalam ng SMNI News kung sino ang nakikita nilang may kakayahang tugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Samantala, si Pastor Apollo C. Quiboloy, na patuloy na nagiging biktima ng political persecution ng administrasyon, ay nananatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok.

Ano ang sinasabi ng ating mga kababayan sa Malaysia?

“Para sa akin, ‘yung hindi ko iboboto, of course,’ yung may corruption. Dahil number 1, nakikita naman natin sa Pilipinas kung ano ang nangyayari ngayon,” pahayag ni Rosita Belen, OFW Based in Malaysia.

“Yung more on salita lang, ‘yung wala pa akong nakikitang nagawa niya. Katulad ko na isang OFW, tutal nandito na rin ako, parang wala eh. More sa kabuhayan pero wala namang nangyayari,” ani Angelita Manzano, OFW Based in Malaysia – 12 Years.

“Ang daming nangyayari ngayon sa Pilipinas. Nakikita ko sa YouTube, sa Facebook, na sobrang kakaiba noon at ngayon. Ngayon, ang gulo ng Kamara—puro mga kurakot sila, tapos parang kontrolado ang mga tao. Maraming patayan, maraming krimen sa Pilipinas ngayon. Napapanood ko,” saad ni Vilma Satiñaman, OFW Based in Malaysia.

Naniniwala ang mga Pilipino na ang korapsiyon ay isa sa pinakamalalaking salot ng ating bayan.

TALAMAK. MALALIM. GARAPALAN.

Ito’y isang malalim na sugat sa lipunan na patuloy na nagpapahirap sa taumbayan—at isang problema na dapat nang tuldukan ngayon.

Kaya naman, para sa maraming Pilipino, isa ang nakikita nilang may tapang at kakayahang masugpo ang katiwalian—ang senatorial candidate na si Pastor Apollo C. Quiboloy!

“Kung magkakaroon tayo ng isang senador na nagsasabi ng zero corruption, number 1 sa akin siya lang ang nakikita ko sa tumatakbo ngayon, kay Pastor Apollo Quiboloy—siya lang ang nagsasabi ng zero corruption,” wika ni Rosita Belen, OFW Based in Malaysia.

“Kagaya ni Quiboloy, na-overwhelm ako sa sinabi kanina ni Boss Dada. ‘Yung talagang ipinapangako niya sa aming mga OFW—’yung uuwi ka na kampante ka na na wala ka nang ‘Ayoko pang umuwi kasi wala pa akong ipon, hindi pa tapos ang mga kapatid ko.’ So, bakit pa natin pahihirapan ang mga sarili nating botante? Bakit hindi pa natin siguraduhin na pag-uwi namin, may ini-aim kami na sana mangyari? At sana matupad. Sana ‘yun—ipinapanalangin nga natin na sana manalo nga si Pastor Quiboloy,” dagdag ni Manzano.

Kaya naman hindi pinalampas ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang pagkakataong marinig at bigyang-pansin ang hinaing ng ating mga kababayan sa Malaysia.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, mahigit 300,000 Pilipino ang naniniraha’t nagtatrabaho doon—mga manggagawang nagsasakripisyo para sa kanilang pamilya at bayan.

Bagamat hindi personal na nakapunta si Pastor Apollo dahil sa kaniyang kasalukuyang sitwasyon, hindi ito naging hadlang para iparating ang kaniyang mensahe sa ating mga kababayan sa Malaysia.

Sa halip, ipinadala niya ang kaniyang pinagkakatiwalaang tagapagsalita—ang political vlogger at anchor ng Banateros sa SMNI, si Boss Dada—para direktang makausap at matugunan ang mga katanungan ng ating mga kababayan.

Sa ginanap na Proclamation Rally ni Pastor Apollo sa Kuala Lumpur, Malaysia, kung saan daan-daang Pilipino ang dumalo, ay nagkaroon sila ng pagkakataong magtanong.

Pastor Apollo C. Quiboloy, poster boy ng political persecution sa Pilipinas

Isa nga sa binigyang-diin ni Boss Dada ang patuloy na panggigipit na nararanasan ngayon ni Pastor Apollo.

“Kasi alam naman natin kung ano ang ginawa kay Pastor Apollo Quiboloy. Sa kadahilanan lang na siya ay kaibigan ng mga Duterte, nakita naman natin ang political persecution sa kanya,” saad ni Boss Dada, Spokesperson of Pastor Apollo C. Quiboloy.

Pastor Apollo C. Quiboloy, gustong ibalik ang dignidad ng mga OFW

“Kasi alam ni Pastor Apollo Quiboloy kung gaano kahirap maging isang magulang,” giit ni Boss Dada.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble