Pinakabagong John Lennon documentary, magkakaroon ng premiere sa London Int’l Film

Pinakabagong John Lennon documentary, magkakaroon ng premiere sa London Int’l Film

NAKATAKDANG mag-premiere sa Cine International Film Festival sa London ngayong Mayo ang newest documentary tungkol sa English Singer-Songwriter na si John Lennon ng The Beatles.

Partikular na ilalabas ito sa May 9, 2025.

Ang documentary na pinamagatang ‘Borrowed Time’ ay gumagamit ng archival footage, never-before-seen interviews at eyewitness accounts upang tuklasin ang huling dekada ng buhay ni Lennon.

Dito rin ay isisiwalat ang buong kwento kung paano nagkakilala sina Lennon at ang asawa nitong si Yoko Ono.

Ang ‘Borrowed Time’ ay isa lamang sa ilang pelikula tungkol kay Lennon na kasalukuyang ginagawa.

Mapapansin na isa pa sa proyekto na ginawa para kay Lennon ay ang ‘One to One: John & Yoko’.

Isa itong documentary na sumasalamin sa buhay ng mag-asawa sa New York City mula taong 1971 hanggang 1973 na inilabas sa theathers sa United Kingdom noong April 11.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble