Pinakabagong miyembro ng 19th Congress, nanumpa na

Pinakabagong miyembro ng 19th Congress, nanumpa na

NANUMPA na ang pinakabagong miyembro ng 19th Congress mula sa party-list group.

Ngayong Miyerkules nangyari ang oathtaking sa plenaryo ni Rep. Brian Raymund Yamsuan kay House Speaker Martin Romualdez bilang bagong kinatawan ng Bicol Saro Party-list.

Pinalitan ni Yamsuan si Nicolas Enciso VIII na tinanggal sa Bicol Saro ngayong buwan lang din.

Si Yamsuan ay nagsilbi dati bilang Deputy Secretary General ng Kamara sa panahon ni dating House Speaker now Senator Alan Peter Cayetano.

Siya rin ay kasalukuyang Secretary General ng National Unity Party (NUP).

Follow SMNI NEWS in Twitter