Pinakamalaking land port zone sa Xinjiang, China, ipinasilip sa foreign media 

Pinakamalaking land port zone sa Xinjiang, China, ipinasilip sa foreign media 

ANG siyudad ng Urumqi sa Xinjiang ay isa sa mga sentro ng kalakalan sa China.

Dito matatagpuan ang isa sa pinakamalaking international land port zone sa nasabing bansa.

Nagsimula ang pagpapatayo rito noong 2015.

Sa lawak na 67 square kilometers, ang Urumqi International Land Port Zone ay isang Landmark Project sa pagpapagawa ng pangunahing bahagi ng Silk Road Economic Belt.

Ito’y naglalayong palakasin ang kalakalan at koneksiyon sa lupa mula sa Tsina patungo sa mga bansang Asya, Europa, at Africa.

Ang pangunahing prinsipyo ng Silk Road Economic Belt ay ang pagpabubuti ng mga kalsada, riles, at mga imprastruktura para sa kalakalan na maaaring makatulong sa pag-unlad ng mga bansa sa ruta nito.

Ayon sa mga lokal na opisyal, nakaranas ng mabilis na paglago ang nasabing land port dahil sa dami ng kalakalan noong 2022.

Nadagdagan pa ang bilang ng mga truck at tren ng kargamento na umalis ng Tsina patungo sa Central Asian at European countries.

Sa ngayon, mahigit sa 20 China-Europe Railway Express Services na ang nag-o-operate sa pamamagitan ng land port na nagpapahintulot na makarating sa 19 na bansa at 26 na lungsod ang higit sa 200 uri ng kalakal, kabilang ang mga textile at mga parte ng makina mula sa Tsina.

Balak ng land port area na maglunsad pa ng mas maraming China-Europe Railway Express Trains at palawakin ang mga ruta ng kalakalan lalo na patungo sa mga bansang sakop ng Central Asia at Europa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter