NAIBENTA ng 38.1-M dolyar ang pinakamatandang Hebrew Bible sa New York na tinatayang nasa mahigit isanlibong taon na.
Ang librong Codex Sassoon ay pinaniniwalaang ginawa noong 9th o 10th Century na may 24 Books ng Hebrew Bible kung saan 8 pahina nito ay nawawala at unang 10 chapter ng Genesis.
Ito rin ang may pinakamataas na presyo para sa isang libro o makasaysayang dokumento na naibenta sa auction.
Ayon sa Sotheby, binili ito ng American non-profit organization na American Friends of Anu-Museum of the Jewish People sa pamamagitan ng donasyon mula sa Dating US Diplomat na si Alfred Moses.
Ibibigay naman ang Codex Sassoon sa Anu Museum of the Jewish People sa Tel Aviv, Israel bilang parte ng pangunahing eksibisyon.