Pinay na naaresto sa Japan, hindi pa naakusahan na pumatay—DFA

Pinay na naaresto sa Japan, hindi pa naakusahan na pumatay—DFA

HINDI akusado sa pagpatay ang isang Pinay na kinilalang si Hazel Ann Morales sa Japan.

Ito ang inihayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Usec. Eduardo de Vega kasunod ng pag-abandona ng Pinay sa bangkay nina Norihiro at Kimie Takahashi.

Ang akusasyon laban sa kaniya ay ang tinatawag sa Japanese law na “Abandonment”. Ibig sabihin kapag may nakitang patay na tao na iniwanan lang at hindi ni-report sa pulis, puwede itong kasuhan ng abandonment dahil maaaring kasabwat ito sa pagpatay, pero hindi ibig sabihin na murder case.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa naturang Pinay. Kinumpirma rin ni De Vega na hindi OFW si Hazel kundi permanent resident ito sa Japan.

Sinasabi rin na magulang ng kasintahan ni Hazel ang inabandonang patay. Bukod kay Hazel, mayroon pang pangalawang Pinoy ang hinuli rin na nakita sa CCTV at naiulat sa Japan.

Gayunpaman, magpapaabot ang DFA ng legal at iba pang kinakailangang tulong sa isang Pinay na inaresto sa Tokyo dahil sa pag-abandona sa bangkay ng mag-asawang Hapon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble