UMAKYAT na sa 141.38 milyong piso ang iniwang pinsala ng Bagyong Karding sa agrikultura sa malaking bahagi ng North Luzon.
Sa inisyal na taya ng NDRRMC, nasa 16, 229 ektarya ng palayan, mais at agricultural products ang lubhang naapektuhan ng bagyo.
Umabot naman sa 740 na mga magsasaka ang naapektuhan mula sa nasabing kalamidad.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Asec. Raffy Alejandro, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga LGU sa North Luzon para sa karagdagang detalye ng mga iniwang pinsala ng bagyo.