PISO Sale para sa Independence Day, ibinida ng ilang airlines

PISO Sale para sa Independence Day, ibinida ng ilang airlines

SIGURADONG mas mae-enjoy ng barkada at pamilya ang kanilang pamamasyal ngayong meron na namang PISO Sale na iniaalok ng ilang airlines.

Ito nga raw ang handog nila sa kanilang mga ‘suki’ bilang bahagi sa paggunita sa Araw ng Kalayaan ngayong buwan ng Hunyo.

Simula Hunyo 8-16, 2024, hinihikayat ng AirAsia Philippines ang kanilang mga bisita na maaaring mag-book ng mga flight mula sa Manila, Clark, at Cebu para piliin ang mga domestic destination ng AirAsia sa halagang PISO na one-way base fare.

Sa parehong paraan, ang mga flight mula Manila patungo sa 11 international destinations ay maaari ding bumili mula piso hanggang PHP2,811 one-way base fare.

Ang travel period ng mga nakuhang seat sale ay mula Setyembre 2, 2024 hanggang Oktubre 8, 2025.

Sinabi ni AirAsia First Officer at Spokesperson Steve Dailisan na may mahigit isang milyong upuan ang nag-aabang sa sinumang makaka-avail sa PISO Sale.

“1,6 Million seats, kung hindi ka pa naman makahanap ng seat na magdadala sayo ng ‘yung dream destination, eh aba kailangan mo na talagang bilisan kasi magstart ang ating PISO Sale simula bukas June 8, so days before Independence Day” saad ni FO Steve Dailisan, Spokesperson, AirAsia, Philippines.

Ang seat sale na iniaalok ng AirAsia ay layong makatulong sa sinumang nangangarap na makabakasyon sa mga lugar na nais nilang puntahan sa napakamurang halaga.

“Gusto natin na magkaroon ng freedom to travel ang mga kababayan natin, dahil alam natin na marami sa mga kababayan natin na pangarap talaga na makapunta sa kanilang dream destination, alam naman nyo ang misyon ng AirAsia that is always been about, making that dream happen,” dagdag ni Dailisan.

Una naman nag-anunsiyo ang Cebu Pacific ng paglunsad ng Manila-Kaohsiung Flights with PISO Sale simula pa noong Mayo 30 na magtatapos ng hanggang Hunyo 13.

Sa petsang nabanggit, ang mga manlalakbay ng CEB ay maaaring mag-book ng mga flight sa Kaohsiung nang mas mababa sa Php 1 one-way base fare.

Hindi pa kasama dito ang exclusive of fees and surcharges.

Ang panahon ng paglalakbay ay mula Agosto 16 hanggang Oktubre 25, 2024.

Simula Agosto 16, 2024 din ang mga flight ng Manila-Kaohsiung ng CEB ay magpapatakbo ng tatlong beses sa isang linggo-tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes.

Samantala may iniaalok din na murang pamasahe ang Philippine Airlines ngayong Araw ng Kalayaan.

Ang seat sale para sa Independence Day ay sinimulan pa noong Hunyo 3, 2024, hanggang Hunyo 16, 2024.

Para sa domestic travel, kumuha ng pagkakataong makamit ang special one-way Regular Economy Base fares sa mababang halaga na PHP208 para sa mga piling domestic flight.

Habang ang travel period ay mula Setyembre 1, 2024, hanggang Enero 31, 2025, sa mga piling ruta gaya ng:

Manila to Busuanga, Puerto Princesa, Antique, Bacolod, Catarman, Calbayog, Cebu, Kalibo, Roxas, Tacloban, Tagbilaran, Davao, Siargao at vice versa.

Cebu to Clark, Puerto Princesa, Davao, Siargao at vice versa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter