Pitong rehiyon, abot na ng “Tara, Basa! Tutoring Program”—DSWD

Pitong rehiyon, abot na ng “Tara, Basa! Tutoring Program”—DSWD

ABOT na ng “Tara, Basa! Tutoring Program” ang pitong rehiyon ng bansa.

Ibinahagi ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos ang launching ng first phase ng nabanggit na programa.

Partikular na naabot nito ngayon ang Central Luzon, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Soccsksargen, at Calabarzon.

Mapapansing malaking pakinabang rin ang tutoring program na ito sa 2nd year hanggang 4th year college students dahil sila ang magsisilbing tutors at Youth Development Workers.

Dito ay makatatanggap sila ng sahod habang tinuturuan ang mga grade 2 learners na nahihirapan magbasa.

August 2023 nang isagawa ang pilot implementation ng programa sa National Capital Region.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble