PITX, ramdam na ang muling pagbabalik sigla ng ekonomiya sa bansa; paparating na Undas, pinaghahandaan na

PITX, ramdam na ang muling pagbabalik sigla ng ekonomiya sa bansa; paparating na Undas, pinaghahandaan na

INIHAYAG ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na nararamdaman na nila ang muling pagbabalik sigla ng ekonomiya.

Ito ay matapos ibaba sa Alert Level 3 ang quarantine classification sa National Capital Region (NCR) dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay PITX Atty. Jason Salvador, head ng PITX Corporation Affairs and Government Relations, dumami na ang mga pasahero na sumasakay sa PITX.

Tiniyak naman ng pamunuan ng PITX na istrikto ang ipinatutupad na minimum health protocols lalo na sa pagdagsa ng mga pasahero  ngayong paparating na Undas.

Sinabi pa ni Salvador na nagdagdag ang PITX ng mga COVID-19 safety marshall na siyang umiikot sa terminal upang paalalahanan ang bawat pasahero sa pagsunod sa mga alituntunin.

SMNI NEWS