NAKAHANDA na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga alkalde sa National Capital Region (NCR) kung sakali mang ibaba ang Metro Manila mula sa Alert Level 2 sa buwan ng Nobyembre.
Ayon kay DILG Interior Undersecretary Jonathan Malaya, alam na ng NCR mayors kung ano ang mga pagbabago pagdating sa pagdaragdag ng kapasidad sa mga establisyemento at iba pa.
Ani Malaya, maganda naman ang datos at patuloy ang pagbaba ng bilang ng kaso sa nakalipas na dalawang linggo.
Bumibilis din aniya ang vaccination program.
Siniguro rin ni Malaya sa publiko na magiging matagumpay ang implementasyon ng Alert Level 2 kung maaaprubahan ito.
Sa ngayon ay napasailalim ang Metro Manila sa Alert Level 3 hanggang October 31.
