PM Anwar, sinang-ayunan ang planong paglalagay ng boutique airline sa Sarawak

PM Anwar, sinang-ayunan ang planong paglalagay ng boutique airline sa Sarawak

SUMANG-ayon si Prime Minister Datuk Seri Anwar Ibrahim sa plano ng Sarawak na mag set up ng state-owned boutique airline sa estado na tatalakayin sa cabinet meeting sa Miyerkules, Abril 19.

Sa kaniyang talumpati, binigyang-diin ng punong ministro ang pagpili sa lungsod ng Kuching bilang lokasyon ng tanggapan ng mga lokal at dayuhang turista.

Sinabi rin ni Datuk Anwar na ang pagbubukas ng isang convention center at hotel sa Kuching ay makakatulong sa mga manlalakbay patungong West Malaysia at Sabah.

Ang panukala para sa airline ay lumabas 2 taon na ang nakalilipas nang sabihin ng state minister na ang estado ay nagpaplano na magtatag ng isang airline na patakbuhin ng Hornbill Skyways, ang state-owned domestic airline company.

Matatandaang ang unang plano ay magbigay ng mga direktang flight mula sa Sarawak patungong Kuala Lumpur, Singapore, Thailand, Indonesia, at Hong Kong.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter