NAGPAABOT ng mensahe ng pakikiramay si Prime Minister Kishida kay Turkish President Recep Tayyip Erdogan.
Sa mensahe, sinabi ni Kishida na taos-puso siyang nakikiramay sa mga nasawi sa lindol at ang kanyang pagpapaabot ng simpatya sa mga lubos na nasalanta.
Ani pa Kishida, naririyan lang ang Japan upang tumulong sa Turkey.
Nitong Lunes, nagpadala na ang Japan government ng higit pitumpung rescue personnel na bumubuo sa Disaster Relief Team upang magsagawa ng search and rescue operations para sa mga nawawalang indibidwal sa mga tinamaang lugar sa Turkey.
Handa rin ang Japan government na magbigay ng emergency humanitarian assistance.
Samantala, wala namang nabanggit si Prime Minister Kishida kaugnay sa Syria na labis ding napinsala ng lindol.