MAGPAPADALA ng tulong ang Thailand para sa nagpapatuloy na search and rescue operations sa Türkiye at Syria.
Ayon sa Department of Disaster Prevention and Mitigation ng Thailand, isang 20-member Urban Search and Rescue team ang nakatakdang tumungo sa Turkiye.
Nakahanda ang nasabing grupo at naghihintay na lang ng go-signal mula sa Turkish government.
Samantla, nagpaabot naman ng pakikiramay si Prime Minister Prayut Chan-o-cha kay Turkish President Recep Tayyip Erdogan, ayon kay Foreign Ministry spokesperson at Information Department Director-General Kanchana Patarachoke.
Sinabi naman ng Thai Ambassador sa Ankara na walang naitalang Thai na namatay o nasugatan. Gayunpaman, naiulat naman na labis na napinsala ang mga tirahan ng ilang Thai nationals.
Batay sa datos ng Ministry o Labor, nasa 83 Thai nationals ang nagtatrabaho sa Türkiye.
Sa ngayon ay pansamantala munang nananatili ang mga biktima ng lindol sa temporary accomodation na inilaan ng Türkiye.
