MULING nagpositibo sa COVID-19 virus ang prime minister ng Singapore na si Lee Hsien Loong.
Ito ay matapos magnegatibo noong Mayo 22 at ideklarang negatibo na ito nitong Lunes.
Sa kaniyang Facebook post, sinabi aniya ng kaniyang doktor na tinamaan muli siya ng virus at kalimitang nangyayari ito sa lima mula sa 10 porsiyentong kaso.
Nasa maayos naman ang kalagayan nito ngayon kumpara nang mahawaan siya kamakailan.
Humingi rin ito ng paumanhin na hindi siya makadadalo sa consecration ceremony ng Sri Thendayuthapani Temple ngayong araw.